LABANAN ANG DEMOLISYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
ang bahay ng maralita’y dinedemolis
ng mga taong sadyang walang kasingbangis
maralita’y lagi na lang pinaaalis
sila’y dinudurog na akala mo’y ipis
hindi ba’t pabahay ay isang karapatan
ng lahat ng tao, ng bawat mamamayan
ngunit bakit tinatanggalan ng tahanan
dinadala sa lalo’t lalong kahirapan
ano bang klaseng gobyerno mayroon tayo
pinababayaang mawasak ang bahay mo
winasak pati buhay, pamilya’t trabaho
demolisyon nga’y parang pagpugot ng ulo
ang sigaw nami’y hustisya sa maralita
may karapatan kami kahit mga dukha
Natitipon dito ang iba't ibang sulatin hinggil sa mga isyu ng maralita, tulad ng karapatan sa pabahay, paglaban sa demolisyon, kahirapan, ang adhikaing pagbabago ng sistema, pagsusulong ng sosyalismo, at iba pa; inilathala bilang aklat na "KOMYUN: Katipunan ng Panitikang Maralita", na nakapaglathala na ng dalawang aklat (Unang Aklat - Disyembre 2007, Ikalawang Aklat - Disyembre 2008), at inilathala ng Aklatang Obrero Publishing Collective.
Martes, Mayo 19, 2009
Biyernes, Mayo 8, 2009
Oda sa mga bata
ODA SA MGA BATA
inagaw na sandaling para sana maglaro
at dahan-dahan luha'y namumuo
sa mga matang tinakasan ng saya
lungkot ang gumuhit sa mukha
tahimik.
'di dapat marinig kahit paghibik
baka abutin pa'y patpat na pamalo
tatalikod na lang papasok ng bahay
at hayaang mangibabaw ang 'di pagsuway
nasaktan. ang batang isipan.
nagtampo. naghinanakit.
sa murang isip natutong magalit
sa munting kasiyahang sandaling ipinagkait
sa hiling na 'di nakamit
sa mga laruang inagaw pilit
mula sa angking mga kamay na maliit
inagaw ng mga kalarong pilyo't sigang paslit
hanap ay pagdamay.
kahit ang murang isip mauunawaan
kapag puso ang nangusap
at madama ang pagkalinga sa gitna ng pagdaramdam
madali na lang namang manumbalik ang ngiti
mga tatlong patong ng kinalaykay na ice cream
doon sa isang matamis na barkilyos ng kamusmusan
o kaya bagong laruan
o kendi
o damit
pansuhol kung kanilang banggit
siguradong mapupunit
ang ngiting madali lang naman talagang iguhit
lalo ng mapag-arugang kamay
ng walang kapagurang nanay
kay tamis gunitain
sa tuwing mapapatingin
itong pagal na mga mata
sa mga musmos na bata sa kalsada
na ang pampahid madalas sa sipon
ay ang sariling siko o braso o kamay
na nanlilimahid sa dumi ng lipunang
akala ata'y paraiso niya't palaruan
sa iglap balintataw ay mapupuno
alaala sa utak kong umaalma ng ng paghinto
bata...
itulot mong makita ko
ang aking pagkukulang
sa pamamagitan ng kawastuhang nasisilay
ng mga mata mong wala pang muwang
at sa muli't-muli turuan mo akong
matutong lumuha, magalit, at ngumiti
sa tamang pagkakataon, oras, at sandali
iyo ang ngayon at bukas
habang akin ang kahapong tumatangis
hawak mo ang lahat sa iyong isipa't pandama
habang humuhulagpos na ang katuparan
ng pangarap kong numinipis
ipaalala mo
ipaalala mo...
...na minsan naging bata din ako.
inagaw na sandaling para sana maglaro
at dahan-dahan luha'y namumuo
sa mga matang tinakasan ng saya
lungkot ang gumuhit sa mukha
tahimik.
'di dapat marinig kahit paghibik
baka abutin pa'y patpat na pamalo
tatalikod na lang papasok ng bahay
at hayaang mangibabaw ang 'di pagsuway
nasaktan. ang batang isipan.
nagtampo. naghinanakit.
sa murang isip natutong magalit
sa munting kasiyahang sandaling ipinagkait
sa hiling na 'di nakamit
sa mga laruang inagaw pilit
mula sa angking mga kamay na maliit
inagaw ng mga kalarong pilyo't sigang paslit
hanap ay pagdamay.
kahit ang murang isip mauunawaan
kapag puso ang nangusap
at madama ang pagkalinga sa gitna ng pagdaramdam
madali na lang namang manumbalik ang ngiti
mga tatlong patong ng kinalaykay na ice cream
doon sa isang matamis na barkilyos ng kamusmusan
o kaya bagong laruan
o kendi
o damit
pansuhol kung kanilang banggit
siguradong mapupunit
ang ngiting madali lang naman talagang iguhit
lalo ng mapag-arugang kamay
ng walang kapagurang nanay
kay tamis gunitain
sa tuwing mapapatingin
itong pagal na mga mata
sa mga musmos na bata sa kalsada
na ang pampahid madalas sa sipon
ay ang sariling siko o braso o kamay
na nanlilimahid sa dumi ng lipunang
akala ata'y paraiso niya't palaruan
sa iglap balintataw ay mapupuno
alaala sa utak kong umaalma ng ng paghinto
bata...
itulot mong makita ko
ang aking pagkukulang
sa pamamagitan ng kawastuhang nasisilay
ng mga mata mong wala pang muwang
at sa muli't-muli turuan mo akong
matutong lumuha, magalit, at ngumiti
sa tamang pagkakataon, oras, at sandali
iyo ang ngayon at bukas
habang akin ang kahapong tumatangis
hawak mo ang lahat sa iyong isipa't pandama
habang humuhulagpos na ang katuparan
ng pangarap kong numinipis
ipaalala mo
ipaalala mo...
...na minsan naging bata din ako.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Tungkol sa Akin
- kolektib
- Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.