Huwag Matakot sa Anay
ni anthony barnedo
12.22.09
23:27:50
Paano ka magkakabahay kung takot ka sa anay?
Sa anay na sumisira sa haligi nitong bahay
Bahay na siyang dapat maging kanlungan nitong buhay
Buhay na nahihirapan sa sistemang pumapatay.
Paano ka magkakabahay kung takot ka sa anay?
Sa anay ng lipunan na puro pasarap sa buhay
Kahit nadudusta na ang maralitang walang malay
Pangungulimbat sa sambayanan ang talagang pakay.
Paano ka magkakabahay kung takot ka sa anay?
Huwag hayaang ang anay sa atin ay lumuray
dignidad ay ipaglaban mula sa bakal na kamay
Karapatan sa paninirahan, makamit ng pantay.
(Tulang may labing anim na pantig bawat taludtod.)
Natitipon dito ang iba't ibang sulatin hinggil sa mga isyu ng maralita, tulad ng karapatan sa pabahay, paglaban sa demolisyon, kahirapan, ang adhikaing pagbabago ng sistema, pagsusulong ng sosyalismo, at iba pa; inilathala bilang aklat na "KOMYUN: Katipunan ng Panitikang Maralita", na nakapaglathala na ng dalawang aklat (Unang Aklat - Disyembre 2007, Ikalawang Aklat - Disyembre 2008), at inilathala ng Aklatang Obrero Publishing Collective.
Linggo, Disyembre 27, 2009
Biyernes, Disyembre 25, 2009
kwento - Sayang ang Relief - ni Anthony Barnedo
SAYANG ANG RELIEF
ni Anthony Barnedo
Anim na buwan matapos masunugan ang kanilang lugar, bakas pa rin ang isang gabing bangungot na dumaan sa kanyang buhay at sa buhay ng mga kapitbahay niya. Anim na buwan ang lumipas ngunit di pa rin maalis sa isip ni Dencio ang halos apat na oras na pagtupok ng apoy sa kabahayan ng kanilang lugar.
Halos tapos na ang itinayo nilang bahay. Pagkatapos ng sunog, tulad ng mahigit isang daang pamilya na nasunugan na unti-unti na ring nakakapagpatayo ng istruktura ng kanilang bahay malibas sa iilang pamilya na halos wala talagang perang pantustos para sa pagpapagawa ng bahay.
Gayunpaman, balisa pa rin siya, di niya mawari kung paano makakaalpas sa ganitong klaseng trahedya. Siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Maliit pa ang apat niyang mga anak, wala namang trabaho ang asawa niya na maaari niya sanang makatulong sa paghahanapbuhay. Magkakasya ba ang sahod niya sa kumpanyang kanyang pinapasukan samantalang tatlong daan at limampung piso lang ang kanyang gana. Bukod sa mababang sahod ay apat na araw sa isang linggo ang kanyang pasok. Ang paliwanag ng kumpanya ay naapektuhan ng resesyon sa ibang bansa ang kanilang ini-export na produkto.
Halos tumulo na ang kanyang luha sa pagninilay-nilay ng mga problema na dumarating sa kanyang buhay. Iniisip pa rin niya ang sunog, ang kinabukasan ng kanyang mga anak, ang maysakit niyang ina, ang nagbabadyang pagdausdos ng ekonomya at magiging epekto nito sa kanyang trabaho, ang kinatitirikan ng kanilang bahay. Ang kanilang bahay ay minana niya sa kanyang mga magulang. Nangangamba siya na gamitin na ng may-ari ang lupa na kinatitirikan ng bahay nila.
Maya-maya pa'y may naulinigan siyang ingay sa labas ng kanilang bahay. Nasa ikalawang palapag siya. Sumilip siya sa bintana upang alamin kung saan nagmumula ang ingay. Napansin niya ang isang tanod na pinagkukumpulan ng kanilang mga kapitbahay. Nabosesan niya ang kanyang pinsan na isa sa nakapaikot sa tanod.
"Para saan po iyan?" usisa nito.
"Mamimigay ang barangay ng gocery at bigas sa lahat ng nasunugan," mabilis na sagot ng tanod.
"A, hindi pa pala tapos ang relief," sabi ng isang ginang.
"Ganon na nga po," ang tanod muli. "At malamang po, hanggang sa susunod na taon bago mag-eleksyon ang mga biyayang ito."
"A... kaya pala, galing sa pulitiko," ang pinsan niyang si Noel. "Salamat naman at naalala nila ang lugar na ito."
Natatawa siya sa ganoong usapan. Maalala lang ba ang kanilang lugar kapag may trahedyang nangyari. Naibulalas niya. "Kung hindi pa nasunugan! Hindi naman namin kailangan ang relief goods!"
Sa ganoong tagpo habang pababa siya ng hagdan mula sa itaas na bahagi ng kanilang bahay ay siya namang pagpasok ng kanilang pinsan mula sa labas ng bahay.
"O, sino ang kausap mo diyan?" nakangiting tanong nito.
"Sino ang kakausapin ko?" seryosong tugon niya.
"Tsk. Tsk. Tsk." Naiiling ang kanyang pinsan. "Easy, maaga kang tatanda niyan."
Bahagya siyang napangiti. Naisip niya na napahiya siya kung bakit ganuon ang pagtanggap niya sa naunang tanong ng pinsan. Siguro nga'y masyado niyang iniisip ang mga problema.
"Eto ang tiket nyo mula sa barangay. Mamimigay daw bukas ng alas-otso ng umaga." Ang tiket na inabot sa kanya ng kanyang pinsan ang magsisilbing stub para sa mga grocery at bigas na ipamimigay sa mga nasunugan.
Pinagmasdan muna niya ang stub bago magsalita. "Kailangan pa ba natin 'to?" Ang kanyang tanong ay tumutukoy sa relief na ipamimigay ng barangay.
"Hindi mo kailangan?" patanong na sagot ng pinsan niya.
"Ang ibig kong sabihin ay kung mas kailangan ba natin ang mga tulong na 'yan o mas may higit na kailangan pa tayo," paglilinaw niya.
"Lahat ng tao ay mas may higit na pangangailangan. Kung ito ay hindi natin paghihirapan o pagtatrabahuhan ay walang magbibigay sa atin nito. Kahit gobyerno, di kayang ibigay ang iyong pangangailangan," ani Noel.
"Ang ibig sabihin ay kung anong merong kakayahan kang kumita ay hanggang doon na lang."
"Ang ibig kong sabihin ay kung tamad ka ay hindi ka mabubuhay," madiin ang pagkakabigkas ni Noel sa salitang "tamad".
Natawa siya sa tinuran ng pinsan. Inisip niya kung ilan ang tamad sa Pilipinas at ang dami ng di umuusad ang buhay. Makikita nga ang iskwater sa lahat ng estero ng Paco. Ibig sabihin, tamad sila. Dumarami ang "side car boy" na nagtitiyaga sa sampung pisong pasahe ng bawat biyahe ng pasahero. Ilan ngang kapitbahay nila ay kumikita lang ng seventy pesos sa maghapong pamamasada. Tama ba 'yan? Ano ba ang sukatan ng pagiging masipag para makamit ang sapat na pangangailangan?"
"Tatawa-tawa ka diyan. Sayang ang relief goods, sabay na tayong kumuha bukas ng umaga." Tinapik nito ang kanyang balikat hudyat ng pagpapaalam nito palabas ng bahay.
"Sandali lang," pigil niya kay Noel, "Buksan mo muna iyang kulay asul na balde," utos niya bago pa man makalabas ito ng bahay.
"Bakit?" nagtatakang tanong nito na naibaling ang mata sa tinukoy ni Dencio.
"Basta buksan mo lang," aniya.
Binuksan ni Noel ang isang malaking balde. Halos puno ito ng bigas.
"Sa kabilang kahon na katabi ng balde na 'yan ay puro instant noodles ang laman. Tapos, sa maliit na balde na pinagpatungan ng kahon na iyan ay puro delata ang laman. May sardinas, corned beef at pork 'n beans."
"Ibig sabihin, hindi mo na kailangan ang relief," ito naman ang tatawa-tawa. " Hanggang saan aabot ang mga iyan?"
Bago magsalita si Dencio ay may inilabas ito sa bag na kinuha niya sa pagkakasabit sa dingding ng bahay. "Pagmasdan mo itong isang box ng vitamins. Mula ito sa isang multinational foundation."
"Multinational foundation," napahalakhak si Noel.
"Isang foundation na pag-aari ng isang multinational na businessman," natatawa rin siya.
"O, ano naman ang istorya sa likod ng vitamins na 'yan."
"Natatandaan mo ba ang signature line nito sa commercial ads sa TV?"
"A, bawal magkasakit!"
"Isang daan ang lamang vitamins ng box na ito. Ibinigay ito two months ago. Dalawang buwan ay may sixty days. E, di may matitira pang thirty-nine capsules ng vitamins kung araw-araw kong iniinom ang mga vitamins na ito."
"O, ano naman ang punto de bista mo?"
"Ngayon, tingnan mo ang label ng vitamins." Iniabot niya ang isang banig ng vitamins sa kanyang pinsan. "Twenty-three days na lang, expire na ang vitamins na iyan."
"Mage-expire na nga ito." Kagyat na natigilan si Noel.
"HIndi lang 'yan, lahat ng noodles at delata ay malapit na ring mag-expire."
Inusisa rin ni Noel ang mga delata at noodles. Iiling-iling ito sa natuklasan. "Ipapakain nila ito sa atin?" ang reaksyong iyon ang hudyat sa pagkakaintindi nito sa nais ipahiwatig ni Dencio.
"Maaaring ang mga iyan ay sobrang produkto ng mga kumpanya na hindi na nabibili sa merkado. Napakasakit isipin na saka lang ipamimigay sa atin bilang tulong kung kelan hindi na nila pakikinabangan. Paano kung walang nangyaring sunog? Saan kaya mapupunta ang mga produktong iyan?" Ang mga bagay na iyon ang madalas naglalaro sa isipan ni Dencio. Talaga nga bang nalugi ang karamihang kumpanya dahil sa recession na naganap sa Amerika. Napakalaki ng epekto nito sa kanyang pamilya.
"Sayang ang mga ito kung itatapon lang natin ito sa bandang huli."
"Mas kailangan ba natin ang relief o mas may iba pa tayong kailangan?" tanong niya sa pinsan.
"Sa tingin ko, maraming problema ang talagang di nabibigyan ng pansin ng gobyerno natin," seryosong sabi ni Noel. "Siguro nga hindi natin kailangan ang relief... mas kailangan natin ang agarang solusyon sa lumalalang problema ng kahirapan."
Kinabukasan, mahaba ang pila sa tapat ng barangay. Nakamikropono ang kapitana. Nagsilbi siyang emcee sa maikling programa bago ipamigay ang relief.
Hanggang may dumating na convoy ng mga sasakyan. Makikilala agad kung sino ang dumating, paano'y naka-imprenta sa gilid ng isang van ang pangalan ng isang konsehal.
Pagkatapos ng maikling programa at pagsasalita ng nangangakong konsehal ay ipinamahagi na ang mga relief goods sa mga pamilyang biktima ng sunog.
Sa kahabaan ng pila ay naroon ang magpinsang Dencio at Noel. Sa napakainit na sinag ng araw ay nagsisiksikan ang mga tao sa pagkuha ng munting biyaya mula sa konsehal.
"E, ano kung nagsisiksikan at mainit," katwiran ng isang ale.
"Sayang ang relief, dito lang naman namin sila napapakinabangan," katwiran naman ng isang ginoo.

Huwebes, Disyembre 10, 2009
Juan Boluntaryo
Juan Boluntaryo
ni Sanyto Sederia
Si Juan Tamad ay naghahangad ng pagbabago
Ngunit hindi alam kung paano gagawin ito
Makakamit lamang ang pagbabago
Kung ang lahat ay tulad ni Juan Boluntaryo
Si Juan Boluntaryo ay may layunin
Pinapangarap na lipunan para sa atin
Pantay ang lahat walang api at alipin
Walang pag sasamantala sa pag gampan ng gawain
Kumilos ng walang alinlangan
Kapalit ay hindi inaasahan
Sa papuri at pasasalamat ay lubos ang kasiyahan
Pagkat ang pagtulong ng walang kapalit ay karangalan
Kung nais ninyo ng pagbabago
Kumilos at sumabay kayo
Sa agos ng buhay pagsasakripisyo
Tumulad tayo kay juan Boluntaryo

Miyerkules, Disyembre 9, 2009
Himlayan ng Maralita
Himlayan ng Maralita
ni Ding B. Manuel
KPML Child’s Rights Advocates
Dito
Nakahimlay
Ang mga kabahayang
Inalsan ng mga bibig, mata
Paa, kamay
Upang bigyan-daan
Ang panapal
Sa bawa kilometrong
Daraanan ng mga de-gulong
At sa bawat limpak
Na pampakapal sa bulsa.
Dahil walang puwang
Sa ngalan ng kaunlaran
Ang lipon ng mga guhuing
Kabahayan nakakaiirita
Sa mga matang-bulag.
Subalit,
Sa himlayan ring ito
Muling mabubuhay
ang mga kaluluwang
bunuklod ng panaghoy, dalit,
sigaw, galit
upang ipaglaban
ang dangal nila’t
karapatan.
ni Ding B. Manuel
KPML Child’s Rights Advocates
Dito
Nakahimlay
Ang mga kabahayang
Inalsan ng mga bibig, mata
Paa, kamay
Upang bigyan-daan
Ang panapal
Sa bawa kilometrong
Daraanan ng mga de-gulong
At sa bawat limpak
Na pampakapal sa bulsa.
Dahil walang puwang
Sa ngalan ng kaunlaran
Ang lipon ng mga guhuing
Kabahayan nakakaiirita
Sa mga matang-bulag.
Subalit,
Sa himlayan ring ito
Muling mabubuhay
ang mga kaluluwang
bunuklod ng panaghoy, dalit,
sigaw, galit
upang ipaglaban
ang dangal nila’t
karapatan.
Kariton - ni Ding B. Manuel
Kariton
ni Ding B. Manuel
KPML Child’s Rights Advocates
Gumugulong
Ang tagpi-tagping
Buhay
Ng basurang humihinga,
Nakikipaghabulan
Sa agos ng sanga-sangang
Kaligaligan
Nakikipagbuno
Sa alon ng walang katiyakang
Daluyong.
Minsang hihinga,
Madalas ay hindi,
Subalit patuloy
Sa paggulong
Upang sa paglatag
Ng karimlan
Ay maging himlayan
Ng napatang basahan.
ni Ding B. Manuel
KPML Child’s Rights Advocates
Gumugulong
Ang tagpi-tagping
Buhay
Ng basurang humihinga,
Nakikipaghabulan
Sa agos ng sanga-sangang
Kaligaligan
Nakikipagbuno
Sa alon ng walang katiyakang
Daluyong.
Minsang hihinga,
Madalas ay hindi,
Subalit patuloy
Sa paggulong
Upang sa paglatag
Ng karimlan
Ay maging himlayan
Ng napatang basahan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Tungkol sa Akin
- kolektib
- Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.