Dukha... Ibangon mo ang Bansa
Dukha,
Likha ka ng mga mapagsamantala.
Dukha,
Pinagkakikitaan ka ng mga lider ng bansa.
Dukha,
Dala mo ay nalinlang na paniniwala.
Dukha,
Kapag nag-aklas ka, laban mo ay hindi makabansa.
Dukha,
Biktima ka lagi ng mga mapagsamantala, dayuhan man o salitang likas ang kanilang wika.
Dukha,
sa pamumuno ng mga huwad, mananatili kang dukha.
Dukha,
Nasa iyong mga kamay ang pagbabago at pag-unlad ng bansa.
Benito E. Molino
Natitipon dito ang iba't ibang sulatin hinggil sa mga isyu ng maralita, tulad ng karapatan sa pabahay, paglaban sa demolisyon, kahirapan, ang adhikaing pagbabago ng sistema, pagsusulong ng sosyalismo, at iba pa; inilathala bilang aklat na "KOMYUN: Katipunan ng Panitikang Maralita", na nakapaglathala na ng dalawang aklat (Unang Aklat - Disyembre 2007, Ikalawang Aklat - Disyembre 2008), at inilathala ng Aklatang Obrero Publishing Collective.
Huwebes, Hunyo 22, 2017
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Tungkol sa Akin
- kolektib
- Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.