Miyerkules, Hunyo 12, 2013

tula ni Anthony Barnedo hinggil sa Kalayaan

araw ng kalayaan... araw nang ating paglaya?

saan ba tayo lumaya?

kailan ba tayo lumaya?

o binubulag lang tayo ng kasaysayang inukit ng BURGESYA!

dahil kung totoong umiiral ang kalayaan...

malaya sanang naninirahan ang mga maralita ng hindi nangangamba na mawalan ng tirahan..

malaya sanang nakakamit ng mga kabataan ang edukasyon, wala sanang kristel!

malaya sanang nakakapaglaro ang mga bata, wala sa basurahan, sa kalye, hindi sana nila tangan ang obligasyong maghanap ng pagkakakitain para mabuhay...

malaya sanang nakakamit ng mga manggagawa ang kanilang mga benipisyo, siguridad sa kanilang trabaho, maayos at matiwasay na buhay.

malaya sana ang nakakaraming PILIPINO na kamtin ang kasaganahan na naaayon sa kanyang pangangailangan para mabuhay!

kung malaya ka,..

hindi ka sana nahihirapan!


Walang komento:

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.