PAGDALAW KAY LIBAY
tatlo kaming madalas dumalaw kay Libay
ako, ang kaibigan niya, at si bayaw
kaming tatlo'y talagang malapit na tunay
at sadyang nagtutulungan sa gabi't araw
isinugod sa ospital nang siya'y ma-istrok
dinala sa mga may alam sa history
ng kanyang sakit, ito'y malaking pagsubok
kaya madalas ay di ako mapakali
naoperahan na siya sa ulo't tiyan
ay, anong titindi nga ng tumamang sakit
"magpagaling ka!" sa kanya'y bulong ko naman
"magpalakas ka!" sa kanya'y lagi kong sambit
pag visiting hours, kami'y bumibisita
umaga'y sang-oras, gabi'y dalawang oras
habang iniisip saan kami kukuha
ng kaperahan, na pinaplanong madalas
mga kaibigan ni Libay nagnanais
siyang dalawin, ang tangi ko lamang bilin
sa visiting hours makikita si misis
ang asam ko'y tuluyan na siyang gumaling
- gregoriovbituinjr.
04.10.2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento