SA ISANG FORUM
Sa Buwan ng Wikang Pambansâ
Inglesan sila ng Inglesan.
Ang turing kaya nila'y bakyâ
Ang sariling wikà ng bayan?
Gayong Pinoy naman ang paksâ!
Dumalo'y mga kababayan.
Sa harap ng Pinoy na madlâ
Tingin sa sarili'y dayuhan?
- gregoriovbituinjr.
08.15.2026


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento