MAY KARAPATAN TAYONG LUMABAN
may karapatan tayong lumaban
kahit na dama natin ang takot
gaano man ang kapangyarihan
ng mga buktot at mapang-imbot
mandarambong sa pondo ng bayan
ay dapat lang nating mapanagot
at silang kurakot at gahaman
sa sala'y di dapat makalusot
sino bang sa kanila'y papalag
kundi ang masang nakikibaka
mga trapong kayraming paglabag
ay dapat patalsikin ng masa
tara na, magsikilos na tayo
at karapatan nati'y igiit
managot ang kurakot sa pondo
ng bayan, dapat silang ipiit
- gregoriovbituinjr.
03.25.2026
* litrato mulâ sa larong Word Connect sa selpon


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento