PAGBABAKASAKALI NGUNIT SULIT
kayrami kong natutunan sa Printbiz
para sa akin ay sulit na sulit
nais kong natutunan ko'y magamit
sana dito'y di ako magmintis
di sapat ang aking napagbentahan
ng mumunti kong libro ng tulaan
dapat may dagdag na pagkakitaan
sa Printbiz ay nagbakasakali lang
ngunit sulit pagkat ako'y natuto
upang ang buhay ay muling tumakbo
pasasalamat ang tanging alay ko
pagkat may pagkakakitaang bago
maraming salamat at pagpupugay
sa Printbiz, mga mentor ay kayhusay
- gregoriovbituinjr.
03.22.2026




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento