PAG-AALALA
dahil sa giyera sa Gitnang Silangan
presyo ng bilihin ay nangagtaasan
mag-aalala ka't baka kapusin ka
bigas, pamasahe, karne, at iba pa
di mag-aalala sa ganito'y sino?
lalo kung giyera'y titinding totoo
na ang tinutungo'y giyera mundiyal
dahil sa pinunong tilà baga hangal
nanggiyera riyan, nanggiyera roon
bagong kaayusa'y inihihimaton
ang kalagayan nga'y sadyang lumalalâ
paano pa kayâ iyan mapahupà
nag-aalala ka sa maraming bagay
malayo man doon, apektadong tunay
- gregoriovbituinjr.
03.25.2026
* litrato mulâ sa headline ng pahayagang Pang-Masa, Marso 19, 2026


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento