Huwebes, Setyembre 10, 2026

Sa MIBF 2026

‎SA MIBF 2026
‎
‎pamilya ko na'y ang mga aklat
‎ito na yata ako magbuhat
‎nang si misis ay mawala't sukat
‎oo, wala na ang lahat-lahat
‎
‎sandigan na'y pawang mga libro
‎at katabi pa sa pagtulog ko
‎payapang diwà, ayaw sa gulo
‎maliban kung rebolusyon ito
‎
‎sa bawat libro'y huwag magtaka
‎kung paborito'y matematika,
‎kasaysayan, lipunan, pisika
‎isyu ng obrero't magsasaka
‎
‎O, aklat ng mga talinghagà
‎dama kong tunay kang mahiwagà
‎sa aking diwà pa'y maalagà
‎sa pagbasa'y tiyak may nilagà
‎
‎- gregoriovbituinjr.
‎09.10.2026
‎
‎* MIBF - Manila International Book Festival

Walang komento:

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.