Martes, Setyembre 1, 2026

Sesura sa tulang lalabindalawahin

SESURA SA TULANG LALABINDALAWAHIN

ang sesura / ay Espanyol / sa paghati
sa taludtod / sa pagtulang / binahagi

isang saglit / na paghinto / sa pagbasa
kapag tula'y / binibigkas / nitong masa

at sa tulang / labindal'wa / ang pantigan
may sesura / sa pang-apat / o anim man

sa Florante / ng makatang / si Balagtas
labindal'wa / ang pantigan / pag namalas

anim-anim / ang sesurang / naroroon
mula unang / saknong hanggang / huling saknong

isang katha itong / aking halimbawa
ang sesura rito'y / mali, di lang wala:

isang kawatan ang / nagnakaw ng halik
dalaga'y hinagkan / niyang patiwarik

- gregoriovbituinjr.
09.01.2026

Walang komento:

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.