ANG SAKRIPISYO NG DALAWANG BATA
ni Greg Bituin Jr.
(alay kina Jeniifer Rebamontan, walong buwan, at Manuel Dorotan Jr., isang buwan, na namatay matapos ang marahas na demolisyong nangyari sa kanilang tahanan sa C3 North Bay Boulevard South, Navotas, Oktubre 9, 2001, Martes)
O, kay-aga nitong inyong kamatayan
Itong mundo’y hindi n’yo na nasilayan
Dahil lang sa mga buwayang gahaman
Inilit na agad ang inyong tahanan.
Magulang n’yo’y pilit nilang ginigipit
Mawasak lamang ang tahanang kayliit
Sa kagustuhan na bahay n’yo’y mailit
Pati inyong buhay maagang inumit.
Ni hindi dumaan sa tamang proseso
Itong demolisyong ginawa sa inyo
Sa batang
Ang kinabukasang dapat makatao.
O, sadyang kaylagim ng inyong sinapit
Sa magulang ninyo ay napakasakit
Hustisya ay dapat na inyong makamit
Dapat parusahan silang nagmalupit.
- tiglalabingdalawang pantig bawat taludtod, may sesura sa ikaanim, nalathala sa Taliba ng Maralita, Disyembre 2001)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento