Sabado, Hunyo 14, 2008

Awitin: Ang Bata - nina Sammy at Ringgot

ANG BATA

titik ni Sammy Arogante

tipa ni Ringgot


Murang katawan siyang pinuhunan

Para matugunan kumakalam kong tiyan

Sakit na makukuha sa’kin ay balewala

Ang mahalaga mayroon akong kinikita


Lagi akong basa, maputik at magrasa

Sasakyang hinuhugasan dito kumikita

Tinatanggap ko kahit barya-barya

Aking pamilya, sa’king umaasa


Di ba bata nasa eskwelahan

May oras maglaro, may oras maglibang

Pero ito ako’y pagod na’t nahihirapan

Kailan ba aahon sa abang kalagayan


F G F G

Mga batang manggagawa, panahon nang lumaya

Am Em Dm G

Karahasan sa amin ay dapat mawala

Am E F G

Halikayo at sa amin ay makiisa

Am Em F G

Kami ay palayain sa mundong mapagsamantala.


Koda:

Iligtas ang mga Batang Mangggawa

Likhain ang lipunang mapagkalinga

Walang komento:

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.