Sabado, Hunyo 28, 2008

Tula: Bulok na Kamulatan - ni Norma Rebolledo

BULOK NA KAMULATAN

ni Norma Rebolledo

Aking saksi, kalikasang totoo

bahaging nadaraanan, kaakibat

totoong nararanasan, hirap man

sa nasasaksikan, ako’y totoong

di makagalaw, sa dami ng nasaksihan

gusto mang tutulan, walang pwersang

maigalaw, itong karaniwang karanasan

ano’t gustong lunasan, hirap ipaunawa

karaniwang mamamayan, lalo’t lider pa

ang unang di makaunawa, dapat siya

ang unang umunawa, paano pa para

matupad, pangarap na pag-unlad sa bayan

kung bawat isa’y di marunong magpakumbaba

anong tutunguhin, mulat ka sa sarili

subalit di sa ‘yong kapwa, di alam

ang pagtanggap, di alam ang pagpuna

ikaw pa naman ang una, pero hirap

kang maging totoo, ano pa’t naging

isa kang namumuno, di kayang baklasin

maling mulat na tradisyon, sino ka!

para manguna, tingnan mo ang iyong anino

tama ka ba sa iyong gawa, kaya bang

baguhin unti-unti ang bulok mong

namulatan?

Walang komento:

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.