Sabado, Hunyo 28, 2008

Tula: Mga Bata sa Komunidad - ni Dennis Velasco

MGA BATA NG KOMUNIDAD

ni Dennis Velasco


Magtatayo kami ng samahan

Samahan ng mga bata sa pamayanan


Bawat bata’y maaaring sumali

Organisado man o hindi

Dito sa samahang naniniwala

Na mayroong karapatan ang mga bata


Karapatang maproteksyunan at umunlad ang bata

Isusulong sa abot ng magagawa

Gayundin ang karapatang mabuhay

At makasali sa mga gawain sa barangay


Kasarian, edad, relihiyon, kultura at tradisyon

Hindi itatangi nitong aming organisasyon

Iba-iba mang antas ng edukasyon at pamumuhay

Itong organisasyon laging kaagapay


Boboto kami ng mga pinuno

Mula mababang posisyon hanggang pangulo

Upang sa gayon ay mayroon nang kakatawan

Sa aming pambatang samahan


Kahilingang mabuti at masaya para sa bata

Isusulong at pangungunahan nila

At ang bawat batang kasapi

Tulung-tulong upang ito’y ipagwagi


Sa aming pagtutulungan at pagkakaisa

Aabutin namin komunidad na makabata


Tinig ng ZOTO, Oktubre 2004

Walang komento:

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.