ANG MARALITANG KABABAIHAN
ni Ka Lilia Nacario
Sa panahon ngayon, maraming kababaihan ang di pa bukas ang isip at marami pa ang pinagsasamantalahan.
Marami ang kadahilanan. Una, wala silang panahon sa paglahok sa pag-aaral na ibinibigay ng samahan dahil pangunahing iniisip nila ay kung paano mapakain sa bawat araw ang kanyang pamilya. Ang usapin pa rin ay kahirapan. Mapapalahok lang sa pag-aaral at mga pagkilos ang mga maralitang kababaihan kung sila’y kumpleto ng pangangailangan.
Hanggang ngayon, sila ay nananatili pa rin sa tradisyunal na sistema – na pag ikaw ay babae, wala kang karapatang ipagtanggol ang sarili. Pag babae ka, pailalim ka sa lalaki. Pag babae ka, alipin ka. Marami pa rin ang nasasaktan ng asawa, di alam kung saan sila lalapit, at iiyak na lang sa isang tabi. Dapat mabago ang ganitong tradisyunal na sistema.
Dahil dito, napakahalaga ng papel ng organisasyon sa pagmumulat sa mga maralitang kababaihan ng kanilang karapatan. Dapat na maorganisa at mapalawak ang bilang ng maralitang kababaihang mulat sa karapatan upang maging pundasyon sa pagbabago ng sistema.
Ano ang mga dapat gawin? Dapat pukosan ng bawat erya ang oryentasyon hinggil sa karapatan ng kababaihan. Dapat na ayusin, talakayin at ipamahagi ang modyul hinggil sa kanilang karapatan.
Dapat nga mulatin din ang mga lalaki, pagkat di lang sila ang may boses. Kailangang pantay ang karapatan ng babae at lalaki. Dapat sa isang organisasyon na tiyakin na ang lahat ng kababaihan ay maorganisa sa kanilang karapatan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento