Sabado, Hunyo 28, 2008

Tula: Pasahero - ni Malu Pontejos

PASAHERO

ni Malu Pontejos

Pasahero, hatid sa lugar na nais puntahan

may sadya o wala basta nakarating na

masaya o malungkot ang dadatnan

ang mahalaga nakarating sa paroroonan.

Pasahero ang tawag sa nakasakay sa sasakyan

may pangbayad o wala basta nakasakay

marami ang masaya habang naglalakbay

masayang makarating ng agaran sa lugar.

ang Pasahero ....pasahero ng globalisasyon

daloy ng mundo sa ayaw at gusto tutumpukin

mahirap umiwas, kahit anong iwas sa dako ka roon mapupunta

sa lugar ng mundong puno ng pakikibaka.

Walang komento:

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.