Sabado, Hunyo 28, 2008

Tula: Paskong Hiling - ni Sanyto P. Sederia

PASKONG HILING

ni Sanyto P. Sederia



Nais kong ibahagi sa karamihan

Ang kwento at katagang binitiwan

Na tumatak sa aking puso’t isipan

Ng isang bata sa tambakan


Sasapit na naman ang pasko

Itong panahon dapat masaya ako

Totoo bang may santang naghahatid ng regalo

O di kaya sa batang mayaman lang ang pasko


Habang hawak ko ang pangahig at sako

Ang iba’y naghahanda na sa darating na pasko

Sa ilalim ng Christmas tree ay puno ng regalo

Ako nama’y naghahanap ng Bote, Bakal at Dyaryo


Sana meron ding pasko

Sa mga batang tulad ko

Kaming maagang namulat sa pagbabanat ng buto

Sana ay may darating na pasko

Walang komento:

Tungkol sa Akin

Aking larawan
Adhikain naming tipunin ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, awitin, at iba pang sulating likha ng manggagawa, maralita at iba pang sektor ng lipunan, lalo na yaong nananawagan ng pagbabago at pagtatayo ng tunay na lipunang makatao.